Wednesday, July 20, 2016

DATING PRESIDENTE NA SI GLORIA MACAPAGAL ARROYO AY MAKAKALAYA

Hindi na kailangang umaksyon si Pres. Duterte sa paglaya ni CGMA ayon kay Sen. Trillanes
Hindi na kailangang umaksyon pa ni Pangulong Rodrigo Duterte upang matupad ang isa sa mga ipinangako nito noong kampanya.



Ang mapalaya si Dating Pangulo at ngayo’y Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo. Ito ang inihayag ni Senador Antonio Trillanes makaraang ibasura ng Korte Suprema ang kasong Pandarambong laban kay Ginang Arroyo.




Sinabi ni Trillanes na isa sa Campaign Promises ni Pangulong Duterte ang bigyan ng Presidential Pardon ang dating Pangulong Arroyo.
Ngunit dahil sa naging ruling ng Korte Suprema, makalalaya na si Ginang Arroyo kahit walang Presidential Pardon.
(DWIZ)