Monday, July 18, 2016

DUTERTE ADMINISTRATION AGAINST ILLEGAL DRUGS

Hinikayat ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief, Atty. Persida Acosta ang mga opisyales ng pamahalaan at mga mambabatas na ituon ang kanilang inisyatiba sa pagsuporta at hindi sa paghadlang sa tuloy-tuloy na aksyon ng Duterte administration upang mapuksa ang problema ng droga sa bansa.



Ginawa ito ni Acosta bilang reaksyon sa ang paghahain ni Senadora Leila De Lima maging ni Ifugao Representative Teddy Baguilat, Jr. resolosyun sa Senado at Kamara upang imbestigahan ang dumaraming bilang ng mga ‘di umano’y drug user at pusher na napapatay.
Aniya, “Bakit laging pulis ang may kasalanan? Tignan muna ang sitwasyon o ang senaryo.” Para kay Acosta sumusuko ang mga tao na sangkot sa paggamit o pagtutulak ng droga dahil sa pangamba sa seguridad ng kanilang mga buhay. 




Paliwanag pa ng manananggol, isang malaking hamon ang pagsugpo sa iligal na droga kung kaya’t kailangan ng tulong ng komunidad, dahil, aniya, hindi ito kayang mag-isa ng gobyerno.
Ani Acosta, may tiwala na ang mga tao sa hustisya sa ating bayan maging sa pangangasiwa ngayon.
“Sumusuko sila dahil unti-unti na nilang nakikitang panahon na para magbagong buhay,” sabi ni Acosta. Ayon pa sa PAO Chief, noong una ay hindi siya makapaniwala ngunit habang dumarami ang sumusuko, mas lalo siyang nakukumbinsi na “may pag-asa pa ang Pilipinas sa pamamagitan ng bagong administrasyon.”